Recuèrdame! Part 1
Hi youtubers! So ayun na nga nalalapit nanaman ang yearly tradition nating mga pinoy lalo na ang mga katoliko na pasyalan at ipagdasal ang mga nauna na sa atin. Parte na ng relihiyon natin ang responsibilidad natin na ipanalangin ang mga kaluluwa dahil ito ang magiging ticket nila para makapasok sa sa langit mula sa purification at waiting area (purgatoryo). Sa cultural aspect naman nama lahat naman ng bansa may kanya kanyang paraan at mga ritwal sa pagalala ng mga tegi. Naging malaking impluwensya nga lang siguro ang mga kalahi ni Thalia (mexico) sa ibang aspeto dahil nga may link tayo sa bansang ito nung kinoconvert tayo sa pagiging katoliko ng mga misyonero kaya pati ang ibang kultura ng Mexico ay naadapt natin. May magandang disney film this year yung "coco" kung napanood nyo yun makikita natin ang similarities natin sakanila. Mas elaborate lang siguro ang celebration nila. 3 araw ang undas sakanila, may para sa mga kaluluwa ng mga bata, tapos para sa mga matatanda yung pangatlo di ko alam bka pra sa mga kaluluwa ng mga cactus at iguana charaught! So ayun nga nagpupunta din sila sa sementeryo to para gumalore at chumika sa mga katabing puntod at syempre para magpray.(marigold, ang flowers ng tegi sakanila ngaattract daw kase yung matingkad na kulay at amoy sa mga mumu)Nagseset up sila mg mga elaborate na home altars (ofrendas) na may pic ng mga tegi, holy images, flowers, candles, food offerings ( halos pareho lang sa chinese culture noh?) Ang distinctive sakanila "skull"(memento mori, sa christian symbolism reminder yun sa mga banal na magfocus tayo sa buhay afterlife kung paano tayo magiging karapatdapat sa kingdom ni God) pero sa palagay ko more of sa pagan aztec religion nila namana yung penchant nila sa skulls at buto buto at mga morbid na eksena (human sacrifice, saksak puso tulo dugo) sa bus madalas ipalabas yung "apocalypto" ganun ang theme, masasampal mo yung katabi mo sa takot.Asan na nga bako? Ahahaha nawala nako sa dami kuda. Ok so ayon nagpunta ang aking team sa Mexico para alamin ang history ng mga ritual natin sa mga tegi at mga multo diumano ito ang aming napagalaman.
Sa sinaunang paniniwala, malaki ang takot ng mga tao sa kamatayan sa paniniwalang paglipat ito ng kaluluwa. Pinakakinatatakutan nila ang transition period ng pagkamatay hanggang sa pagpunta nya sa lugar ng mga tegi (wala pa sila konsepto ng langit, lupa, impyerno).Kaya bumuo sila ng mga ritwal sa takot nila sa mga mumu iniisip nila na kaya nila linlangin ang mga multo.takot ang mga sinaunang tao sa sakit dahil kamatayan na ang ibig sabihin nito. Pag hindi nagamot ng babaylan ang isang tao sa sakit dinadala na ito sa isang bahay at dun na magisang hihintayin ang kamatayan. Sinusunog ang bahay kalaunan sa ganitong eksena kaya walang permanenteng lugar ang mga tribo at palipat lipat sila. Ang mga taong namatayan sinasamahan ng mga nakikiramay sa burol (lamay) sa takot na pag natulog kasama ang patay eh mamatay din sila.Sa mga takot na ganun kaya bumuo sila ng mga komplikadong purification.Hindi nila hinahayaan mawalan ng liwanag ng kandila ang patay. (Sa Christian element si Kristo ang simbolo ng liwanag ng kandila). Sa ibang pinto o bintana idinadaan ang bangkay pag ililibing na, ang libing ay idinadaan sa ibang ruta para linlangin ang multo sa pagbalik sa kanyang bahay. Yung mahabang pagluluksa daw ang isa sa mga naging sagabal sa advancement ng ating sibilisasyon. Yung paghire ng professional mourners (crying ladies) ay indication daw na isa lang itong ritwal at hindi pagdadalamhati. Ginagawa na natin ang mga ito ngayon bilang pagluluksa pero sinaunang tao ginagawa nila ito sa lahat para sa patay dahil sa malaking takot nila sa multo.
Ang mga sinaunang tao ginagawa lahat ng magaappease sa mga patay. Pag ang lalakeng asawa ang namatay, nagsuisuicide ang asawa nyang babae, pag bagets naman ang nategi isinasama patayin ang nanay, titaret o lola para may magalaga sa bagets sa underworld. Sa mga royal courts pati mga alipin isinasama sa hukay. May paniniwala ang mga pinatay na multo ay gustong gawing alipin ang mga pumatay sakanila kaya nauso ang "head hunting" (baka eto yung pugot ulo sa mga igorot).Kaya nauso daw ang pagampon sa mga bata para iensure na may mga gagawa sa ng mga ritual para sa pagkamatay nila ganun nila pinaghahandaan ang kamatayan. Literal na nagpapadala ng mga ari arian sa libingan ang mga sinaunang tao ( egyptian pyramids). Sa sobrang waste ng pera naimbento yung mga substitute na mga kinesong papel na bahay, pekeng pera ng mga intsik (matipid talaga sila noh). So ayun putulin natin muna ang part 1 ng undas serye natin at baka abutin tayo ng undas sa haba ng post ko part 2 nalang later. Lol....

Saan na po yung part 2?
ReplyDelete