On Failures dated May 25 2012

Likas sa ating mga beki, ang pagiging masipag at malinaw ang vision sa kung ano ang gusto natin marating sa buhay. Dahil nga sa mundong ginagalawan natin kung saan mainit sa mapanghusgang lipunan ang kasarian natin, tayo na mismo ang nagset ng mataas na standard sa sarili natin marahil para patunayan sa iba na hindi tayo mahina.Kaya natin o mas nahihigitan pa natin ang mga bagay na napagtatagumpayan ng mga straight  simula sa pagsuporta sa ating mga pamilya, sa pagibig at sa pagpapaunlad ng ating estado sa buhay.Noong kabataan ko pa na hindi pa naman ganun kalipas (28 plang naman ako) hindi ko talaga alam kung ano ang mangyayari sa future ko,kahit hopelessly romantic na ako dati pa, ang priority ko talaga e magkamal ng limpak limpak na kaperahan.Siguro dahil dun ako medyo nadeprive,sa edad na yung kung saan tayo mas attached sa mga materyal na bagay,kung saan ang pagkakintindi natin ng pagiging "in" o "cool" ay pagiging fasyon at may masyofal na wallet pang gimick.Naalala ko na sabi ko sa mga kaibigan ko noon, hindi ko kailangan ng lovelife ang gusto ko lang ay may pang grocery ako every week at pangbili kung ano ang gusto ko at magiging masaya na ako.Sa pagdaan ng panahon naibigay naman yung blessing na yun para sa akin, natupad yung simpleng goal ko na yun sa buhay.Nakahawak ako ng pera for the 1st time after college alam ko na ang 1k dahil sa tulong ng mga tyahin ko para makapagsimula ako ng maliit na negosyo  kahit papaano malevel up ko ang buhay namin.Sobra akong naproud para sa sarili ko noon kase sa akin ipinagkatiwala yung responsibilidad na pwede makapagpabago sa pamumuhay namin.On the first years napagtagumpayan ko naman yon dahil sa eagerness at drive ko mapalago yung maliit kong puhunan. Naitawid ko din naman ang mga pangangailangan namin sa buhay at napatapos ko naman ang isa kong sisterette sa college tapos may kakaibang "lovelife" pa on the side so akala ko qouta nako,Masyado na akong naging kampante dumating na yung mga panahon na naging bulaksa ako sa pera, kinatamaran mamili, maging hands on sa tindahan in short umarti na ako ng hindi tama,umastang parang dona sa paggastos hanggang sa hindi ko nalang namamalayan after 5 yrs ng pangangalakal ko e wala padin akong naiipon:( sad but true.Madami na ako pinagdaanang failures sa buhay, alam ko din naman na ang negosyo ay parang buhay din na minsan ok minsan hindi.Pero ang negosyo ang isa na lng sa mga kokonting bagay na kaya ko ipagmalaki na napagtagumapayan atmasakit para sakin kung mawawala iyon hindi dahil sa pride, kundi dahil ito ang naging way para magkaroon ng liwanang ang nanlalabo kong self worth at goal sa buhay.Aminado ako sa mga pagkukulang ko at tinitake ko ang responsibility kung bakit nanamlay ang aking kabuhayan showcase.Pero alam ko ang simpleng pag amin lang sa ating pagkakadapa at pagkukulang ay hindi pa enough.Kailangan ko na gumawa ng kongkretong aksyon para makabawi ulit,Matapang tayong mga beki, at para saan pa at naging beki ako kung hindi ako babangon muli na nakataas ang kilay.malambot at lampa man tayo sa paningin ng iba, wala naman sa bokabularyo natin ang salitang "give-up".sa dami ng kasabihan tungkol sa ating mga bakla ang isa sa pinakapinaniniwalaan ko e "walang baklang tamad" kaya mabuhay sa akin at mabuhay sa ating mga baklang bumabangon para sa ating mga pamilya at mahal sa buhay:)

Comments

Popular posts from this blog